Kabastusan na manghingi ng asin
Kakaiba ang paniniwala ng mga Egyptians na madaling magtampo. Kapag nagkataon na naimbitahan ng mag-dinner sa bahay ng isang Egyptian ay huwag kalimutan na mayroon din silang kakaibang tradisyon na sinusunod. Kapag sakaling natabangan sa kanilang inihandang pagkain ay huwag pahahalata. Mag-ingat na huwag hihilingin na magdagdag ng asin sa iyong kinakain. Lalo’t huwag na huwag pangunahan na hawakan ang lagayan ng kanilang asin. Ito ay katumbas ng pang-iinsulto sa host ng bahay ng Egyptian na nang imbita sa iyo.
Dahil kapag sinubukan na magdagdag ng spices sa iyong pagkain, pinapahiwatig na hindi masarap o maganda ang kanilang niluto o inihandang pagkain sa kanilang bisita.
- Latest