^

Para Malibang

Healthy at active ang sex life

Pang-masa

Ang sex ay hindi lamang nagpapaganda sa pakiramdam. Ito rin ay mainam sa kalusugan. Ayon sa mga sexual health expert, ang pagkakaroon ng healthy sex life ay nababawasan ang indibidwal na magkasakit.

Ang pakikipagtalik ay nakatutulong na mapanatiling malakas ang immune system. Ang taong magana ang sex activity ay mataas ang level ng pandepensa ng katawan laban sa germs, virus, at ibang intruders. Kapag nakikipagtalik ng isa o dalawang beses sa isang linggo ay mas mataas ang level ng antibodies kumpara sa tigang o madalang lang makipag-sex.

Kung nasasabik na magkaroon ng aktibong sex life ay nagpapagana lalo ang libido. Sa mga babae, habang nakikipag-sex ay naglalabas ng maraming lubrication sa vaginal area at gumaganda ang blood flow.

Nag-i-improve rin ang bladder kontrol sa mga kababaihan. Lumalakas ang pelvic floor na importante upang maiwasan na mapigilan ang masamang epekto.  Ang sex ay parang workout para sa pelvic floor muscles. Kapag mayroong orgasm ay dahilan ng contraction ng mga muscles para ito ay lumakas.

Ang isa sa magandang benepisyo ng sex ay nagpapababa ng blood pressure. Sa sexual intercourse ay dahilan para bumaba ang systolic blood pressure. 

Ang sex ay magandang uri ng exercise na puwedeng hindi katulad sa pagtakbo sa treadmill, pero maaaring mabawasan ng five calories per minute. Mas maraming calories rin na para kang bumira ng one-two punch. Nagpapatibok ng magandang heart rate at napapagana ang mga muscles.

Ang healthy at active na sex life ay maganda sa puso, heart rate, nakatutulong sa estrogen at testosterone level balance ng indibidwal.

SEX LIFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with