Mga unggoy sa bali may kakaibang ugali
Nauna nang naitampok sa kolum na ito ang kakaibang habit ang ilang Macaque Monkeys na naninirahan sa nagyeyelong lugar sa Japan.
Maniwala man kayo o hindi, natutunan na ng unggoy na ito na “magnakaw” ng wallet. Inaalis nila ang anumang barya sa wallet na kanilang makukuha para ipambili ng inumin o makakain sa vending machines na malapit sa kanilang tirahan.
Hindi naman lahat ng mga unggoy na ito sa Japan ay ganito ang ginagawa, kung minsan ay mismong mga turista rin ang nagbibigay sa kanila ng barya para ipangbili ng pagkain sa vending machines.
Samantala, iba naman ang ginagawa ng mga unggoy na nakatira malapit sa Uluwatu Temple sa isla ng Bali.
Ninanakaw kasi nila ang kahit na anong bagay na kanilang magustuhan sa mga turista tulad ng bag, sunglasses, sumbrero at iba pa.
“It’s a unique behaviour. The Uluwatu Temple is the only place in Bali where it’s found,” sabi ni Fany Brotcorne, isang primatologist sa University of Liège sa Belgium.
Pinaniniwalaang ginawa nila ito dahil ginagaya nila ang mga turistang nakakasalamuha nila.
- Latest