^

Para Malibang

Corned beef sinigang

BURP - Koko - Pang-masa

Kakaibang klase ng sinigang ang aming ituturo sa inyo ngayong araw. Simple at napakadaling lutuin ng corned beef sinigang. Maaari itong iluto sa mga beach/mountain camping para mabawasan ang oras ng pag-prepare sa karne. Maaari rin naman kayong gumamit ng beef brisket kung gugustuhin.

Isa rin ang corned beef sinigang sa pinasisikat ng dumaraming restaurant sa kanilang mga menu.

Ingredients:

1 can ng corned beef brisket

1 sinigang sa sampaloc mix

1 tali ng kangkong

6 to 8 pieces ng okra

1 sibuyas

2 medium ripe tomato

Kalahating kutsara ng ginger

1 labanos

3 to 4 pieces siling pansigang

12 to 15 cups water

3 tablespoons ng patis

Paraan ng pagluluto:

Magpakulo ng tubig sa isang kaldero. Sunod na ilagay  ang luya, kamatis at sibuyas.

Kapag kumulo na ay saka ilagay ang sinigang mix at labanos.

Sunod na ilagay ang corned beef at pakuluan ng hanggang limang minute.

Kapag kumulo na ay maaari nang ilagay ang mga gulay at siling pansigang.

I-serve ito kasama ang kanin at paboritong juice. Burp!

CORNED BEEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with