^

Para Malibang

Kakaibang kainan sa Paris dinadayo kahit sobrang dilim!

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Sabi nila, ang pagkain daw ay isa ring visual experience, pero hindi yan ang motto ng Dans le Noir? Isang restaurant sa Paris kung saan ang kakaibang twist ay wala kang makikitang kahit ano dahil sa sobrang dilim.

Itinayo ang restaurant sa pamamagitan ng Paul Guinot Foundation for Blind People, lahat ng nagtatrabaho rito ay visually impaired o mga bulag.

Lahat ng mga kumakain dito ay may waiter-guide na nagbibigay sa kanila ng hints at tips para maiwasan nilang maitapon ang kanilang mga pagkain, pero karamihan sa mga bisita ay gustong mag-solo.

Samantala, ayon sa isa sa mga nakakain at naka-experience na rito, hindi niyo raw talaga makikita ang inyong mga katabi at kung gaano kalaki ang lugar.

“You have no idea where your fellow diners are sitting, how many are at the table, how big the room is, or indeed if the guy in the next seat has stripped naked and is rubbing asparagus spears into his groin. It’s genuinely disconcerting.”

Bukod sa pagiging madilim, meron din silang tinatawag na surprise menu kung saan huhulaan ng mga kumakain ang pagkaing inihain sa kanila. Isa ito sa mga specialty ng nasabing restaurant.

May branch ang Dans le Noir? Sa London at Moscow at may isang restaurant din na nagbukas sa Tel Aviv, Israel, ang Blackout na kung saan ay mga bulag din ang nagtatrabaho. Katabi naman nito ang Kappish café na kung saan ay mga pipi at bingi naman ang staff. Meron silang instruction kung papano makaka-order gamit ang sign language.

DANS LE NOIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with