Masustansyang karne ng kuneho
Ang karne ng kuneho ay kabilang sa white meat na ibig sabihin ay mas healthier. Sa pagkain ng karne nito ay napupunuan ang kailangang protina ng katawan. Bilang importanteng building blocks na mahalagang kailangan ng muscle strength.
Ano ba ang mga benepisyo sa pagkain ng rabbit meat? Ang karne ng rabbit ay lean katulad sa manok na mainam na pangsabaw, pangsahog, o plain na ulam. Mas malaman at mataas nga sa protina kumpara sa ibang meat na maganda sa mga nagda-diet at gusto ng healthy eating.
Dahil sa low fat content, ang karne ng kuneho ay mas madaling mabawasan ang calorie intake. Masustansya rin ito gaya ng isda kumpara sa mga hiwa ng mga beef.
Ang problema ay walang mahahagilap na karne ng kuneho sa local na grocery store. Hindi katulad ng manok, baka, at pork na madaling makabili. Ang rabbit meat ay kabilang sa game meat na kailangan mo pang maghanap o mag-alaga sa sariling bakuran na ang lasa ay hindi katulad ng karaniwang karne. Ngunit, sigurado itong malasa at siksik sa masustansyang protina.
Ang diet at lifestyle ng kuneho ay nagbibigay kontribusyon sa low body fat levels nito. Hindi katulad ng baka at baboy na mabagal ang panunaw kumpara sa rabbit na mabilis ang galaw at pagtakbo. Ang maganda pa, ang diet ng kuneho ay malinis na mula sa mga fiber na kanilang kinakain tulad ng ugat, buto, at ibang grains.
- Latest