^

Para Malibang

Zombie Family (354)

Gilda Olvidado - Pang-masa

HABANG lumilipad, nakaramdam ng gutom si Nikolai.

Natuwa siya.

Dahil ang nararamdaman niyang gustong kainin ay tulad pa rin ng gusto niyang kainin noong normal na tao pa siya.

Mga prutas at gulay lamang. Vegetarian siya kaya ni hindi siya naghahanap noon ng mga karne ng hayop.

May animal advocacy kasi siya.

Kaya hindi naniniwalang ang mga hayop ay dapat kainin kundi alagaan na para bang mga tao rin.

Lumipad siya papuntang bundok kung saan naniniwala siyang may makikita siyang mga tanim na gulay. O mga kahoy ng mga prutas.

Natuwa siya dahil may nakita siyang puno ng mga mangga at niyog.

Nanguha siya. Dahan-dahan lang para hindi makakalikha ng ingay na posibleng magiging dahilan para may makakita sa kanya.

Nakagawa siya ng apoy, nakapagluto ng mga gulay.

Nakakain na rin ng mga prutas.

Nagpasalamat sa Diyos dahil nabusog siya.

Pero habang nagpapahinga, naiisip niya ang kanyang kalagayan.

“Salamat at hindi ako nagiging masamang flying zombie, Diyos ko. Pero ano ba talaga ang purpose ng pagiging ganito ko? Kung ginawa mo akong ganito para makalaban sa kasamaan, sana tulungan Ninyo akong mahanap ang dark entity na gumawa ng mga zombies, mula pa kay Marga, and then kay Leilani at ngayon ay ako. Dahil palagay ko, siya talaga ang tunay na kalaban. The source of all evil. Gawin po Ninyo akong sapat para malabanan ko ang kasamaang iyon. Dahil kapag natalo ko ang dark entity, baka pati si Leilani ay magi­ging tao uli. O kaya naman, baka mawala ang kanyang kasamaan as flying zombie. Matatahimik na ang mundo kapag napigil na ang dark entity.”

NAGING malaking balita ang pagkaligtas ng mga sakay ng helicopter.

Kabi-kabila ang interview sa mga nailigtas ni Nikolai.

“Kung hindi sa kanya, patay na kami. Tiyak na malakas ang impact ng pagbagsak ng helicopter kung hindi pa umalalay ang lalaking flying zombie!”

“Pero nakakasiguro kayo?”

“Lahat kami, ‘di mo ba napansin, pare-pareho lang ang kuwento namin. Totoo ‘yon. May flying zombie na lalaki. Ang lakas niya. Pero hindi niya kami sinaktan o kinain. Inilapag niya ng maingat ang buong helicopter sa mga sanga at mga madahon na punong-kahoy. Saka siya umalis.” ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with