Sintomas ng AIDS?
Ang AIDS ay acquired immunodeficiency syndrome. Kapag may AIDS, ang immune system ay humihina dahil sa HIV na hindi ginagamot. Kung nagsagawa ng antiretroviral therapy treatment sa HIV, hindi ito magde-develop sa AIDS.
Ang mga taong may HIV ay maaaring magkaroon ng AIDS kung hindi mada-diagnose ang HIV o kung alam nang may HIV ay hindi sumailalim sa antiretroviral therapy. Magde-develop din sa AIDS kung may type ng HIV na resistant sa antiretroviral treatment.
Kung walang tama at tuluy-tuloy na treatment, ang mga taong may kasambahay na may HIV ay mas mabilis ang pag-devolop ang AIDS. Malaki na ang damage sa immune system at mas mahihirapang labanan ang infection at sakit. Sa pamamagitan ng antiretroviral therapy, hindi magde-develop ang HIV infection sa AIDS nang matagal.
Ang mga sintomas ng AIDS ay pabalik-balik na lagnat, madalas na pamamaga ng lymph glands lalo na sa kili-kili, leeg, at singit, laging pagod, pagpapawis sa gabi, maiitim na sa balat, so loob ng bibig, ilong o mata, sores at spots o lesions sa bibig, dila, genitals o puwet, umbok, lesions at rashes sa balat, pabalik-balik na diarrhea, mabilis na pagbaba ng timbang, neurologic problems tulad ng ‘di makapag-concentrate at nagiging malilimutin, anxiety, at depression.
Sa pamamagitan ng antiretroviral therapy nako-control ang virus at napipigilan ang pagde-develop sa AIDS. Ang iba pang infections at complications ng AIDS ay maaaring gamutin depende sa pangangailangan ng tao.
- Latest