Sinigang sa Miso
Ang sinigang sa miso ay isa sa paboritong sinigang ng marami. Bukod kasi sa kakaiba at maasim na lasa nito, perfect na comfort food din ito ng mga stress sa opisina/eskuwelahan maging sa may sakit.
Iba’t ibang isda ang maaaring isigang sa miso, pero ang aming paborito ay ang ulo ng salmon.
Malasa at malinamnam kasi ito, at bagay na bagay sa kanin.
Narito ang recipe na sinigang na ulo ng salmon sa miso na tiyak magiging paborito ninyo!
Ingredients:
Isang kutsarang bawang
2 Sibuyas
3 Kamatis
Tanglad
Maraming luya
Miso
Isang kilong ulo ng salmon
Mustasa
Siling haba
Limang tasa ng tubig
Sampaloc broth/powder
3 Kutsarang patis
Paraan ng pagluluto:
Igisa sa bawang, sibuyas, kamatis at maraming luya ang miso. Sunod na ilagay ang tubig at pakuluan ng hanggang 10 minuto.
Kapag kumulo na, puwede nang timplahan ng pampaasim at patis. Ilagay ang ulo ng salmon at pakuluan ng hanggang 10 minuto ulit. Ingatan ang paghahalo para hindi ito madurog.
‘Pag kumulo na ay puwede nang ilagay ang sili at mustasa.
Burp!
- Latest