Sinabawang tahong
Enero pa lang pero ramdam na agad ang papalapit na tag-ulan. Malamig din ang simoy ng hangin dahil sa hanging amihan. Dahil diyan, nagki-crave tayo sa mga pagkaing may sabaw tulad ng nilaga, aroz caldo, sinigang at ang swak sa budget na sinabawang tahong na may kangkong.
Ingredients:
2 kutsarang mantika
1 sibuyas
2 cloves garlic
2 kutsarang Luya
2 Kamatis
2 kutsarang patis
5 tasang tubig
Kalahati hanggang isang kilo ng tahong (hinugasan ng mabuti)
Isang tali ng kangkong
Asin at paminta
Napakasimple lamang ng paraan ng pagluluto ng dish na ito. Kailangan mo lang igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at luya. Pagkatapos ay lagyan na ito ng patis. Isunod ang tubig at kapag kumukulo na, puwede nang ilagay ang tahong. Tanggalin ang bulang lumalabas dito kapag kumulo.
Kapag luto na ang tahong ay maaari nang ilagay ang kangkong.
Maglagay ng asin at paminta depende sa panlasa.
- Latest