Naniniwala ka ba sa suwerte o malas?
“Depende. Kapag masipag ka kusang lalapit sa’yo yung suwerte. Pano pag naniniwala ka sa swerte pero ‘di ka naman gumagalaw para ma akit mo ito? Useless din. Parang nagdadasal kang manalo sa lotto tapus ‘di ka naman tumataya.” Arnold, Naga
“Oo, kailangan mo lang maghintay ng tamang pagkakataon, balang araw mapapasayo rin yung inaasam mong suwerte. Tiwala lang, lahat naman tayo me sariling ‘break’ sa buhay eh.” Leo, Marinduque
“Hindi, pamahiin lang yang swerte, pag tamad ka wala ka talagang mapapala sa buhay. Sipag at tyaga yung kailangan para umasenso sa buhay hindi puro pangarap lang, kailangan aksyon din.” Dexter, Manila
“Oo, pag may pananampalataya ka sa Diyos at mabait ka sa kapwa mo, babalik sa’yo yung biyaya. Matatawag mo na ring swerte na na gising ka ngayong umaga para harapin ang mga bagong pag subok sa buhay mo.” Romulo, Manila
“Hindi, kasi ikaw naman talaga yung tunay na may hawak ng kapalaran mo, nasa sa’yo na kung alin yung pipiliin mong daan, sa suwerte ba o sa kamalasan. Parang sugal lang yan pag lahat suwerte eh ‘di lahat ng tao mayaman na.” Ian, Bulacan
- Latest