^

Para Malibang

Burong mustasa

BURP - Koko - Pang-masa

Sa unang tingin ay hindi appealing ang dish na aming ituturo sa inyo, ang burong mustasa.

Katuna­yan, kami man noong una ay nagtaka kung ano kaya ang lasa nito hanggang sa makatikim kami nito nang kami ay magbakasyon sa Mindoro. Bagay na bagay ang dish na ito sa inihaw at pritong ulam. Bukod dito, puwedeng-puwede rin itong sangkap sa ibang putahe. 

Napakasarap nito ka­pag iginisa nang may kasamang itlog.

Simple lamang ang ingredients sa paggawa ng burong mustasa. Ihanda ang mga sumusunod:

Limang tali ng mustasa 

Dalawa hanggang tatlong kutsara ng rock salt

Hugas bigas

Malinis na air-tight jar

Paraan ng pagluluto:

1. Hugasan ang mustasa at i-pat dry. 

2. Pagsamahin ang asin at mustasa. Lamasin ito hanggang sa magtubig. Sa paraang ito, mawawala ang pait ng nasabing gulay.

3. Kapag nag-iba na ang kulay ng mustasa (mula light green hanggang dark green), maaari na itong pigain.

4. Ilagay sa malinis na garapon ang mustasa.

5. Ibuhos ang hugas bigas hanggang sa ma-cover ang mga gulay.

6. Buruin ito ng tatlo hanggang limang araw.

7. Pagkatapos ng li­mang araw ay tikman ito at ilagay sa ref o kaya ay puwede nang i-partner sa pritong isda.

Burp!

MUSTASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with