^

Para Malibang

Bagong Mindset sa 2020

Pang-masa

Ang kagandahan sa darating na taon ay laging puwedeng magsimula ng bagong yugto ng ating buhay. Laging nabibigyan ng pagkaktaon na tingnan ang mga bagay sa positibong direksyon. Upang maibaling ang isipan sa pagkakaroon ng bagong mindset na baguhin ang mali at pangit na mga bad habits.

Katulad ng pagkakataon na i-practice na mag-ingat sa gagawing desisyon na huwag agad padadala sa sitwasyon o pressure sa paligid. Magkaroon ng time na mag-meditate. Sa paggising pa lamang sa umaga ay matuto nang magpasalamat na nagising ka pa, upang gawin ang iyong goals sa maghapon.

Magkaroon ng mas maraming self-compassion. Panahon na para mahalin at ingatan din ang sarili. Tigilan nang pintasan at laitin ang iyong sarili. Humingi rin ng tulong sa iba. Hindi masama na i-delegate ang ibang trabaho sa iba, upang gumaan naman ang iyong responsibilidad. I-let go na rin ang iyong galit.

Smile pa lagi na huwag nang mabuwisit dahil sa bandang huli, ikaw pa rin ang lugi. Huwag kalimutan na tumulong sa iba sa abot lamang ng iyong makakaya. Ngumiti at tumawa nang tumawa. Pasayahin din ang buhay mo. Huwag masyadong seryoso. Paligiran ang sarili ng mga positive-minded na mga friends. Ilabas ang negatibong pag-iisip. Matuto sa mga pagkakamali. Magpokus sa positibong bagay at saka umaksyon.

Sa research, ang mga taong toxic ang buhay ay inuugnay na ang kanilang mga arteries sa puso ay nagkakabuhol din. Kaya smile, makuntento, at kumain ng mga masustansya, at magkaroon nang sapat na tulog. Upang gumaan at gumanda rin ang aura sa anomang hamon na darating sa taon ng 2020.

BAD HABITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with