Hilaw, hinog at overripe na kamatis
Isa ang kamatis sa mga rekado na hinding-hindi mawawala sa kusina. “Present” kasi ito sa iba’t ibang lutuan mapa-gisado, sinabawan o simpleng sawsawan sa prito o inihaw na isda.
Kapag bibili ng hilaw na kamatis, piliin ‘yung mayroon pang tangkay na nakakabit. Ang tangkay kasi ang nagpi-prevent para pasukan ng hangin ang kamatis na siyang dahilan ng mabilis na pagkabulok nito.
Kapag hinog naman na ito, ilagay lamang ang mga kamatis sa tuyong paper bag. Huwag itong pagpapatung-patungin at laging ipuwesto sa itaas ang tangkay nito o ‘yung pinagkabitan ng tangkay.
‘Di rin maiiwasan ang pagkakaroon ng overripe tomatoes. Kung sumobra ang hinog at mapulang-mapula na ito, ilagay na ito sa fridge para mas tumagal ito. Bago naman ito kainin, ilagay muna ito sa room temperature. Dahil dito, makakatulong na ma-develop ang mga flavor na nawala nang ito’y ilagay sa fridge.
- Latest