^

Para Malibang

Traydor na Kaibigan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Chel, 20 years old. Sobra po kaming close ng best friend ko. Higit pa po kaming magkalapit kaysa aking mga kapatid. Mayroon po kaming schoolmate na lalaki na type niya. Pero dumating sa punto na ako ang niligawan niya. Hindi ko naman po kasalanan kung ako ang niligawan. Napapansin ko po na lumalayo na ang bff ko sa akin. Minsan ay tinangka kong kausapin siya at sinabihan niya po akong traydor. Ayokong masira ang friendship namin. Pero na in love po ako sa manliligaw ko na type rin ng BFF ko. Dahil nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa lalaki. Ano po ang gagawin ko? Tamang bang tawagin akong traydor? 

Chel

Dear  Chel,

Sa kaso mo, dapat mong timbangin kung mas mahalaga ba ang friendship mo o ang manliligaw mo. Kung tatanggapin mo ang iyong manliligaw ay tiyak na maapektuhan ang pagkakaibigan ninyo, pero kung  ang nararamdaman mo ay true love, panindigan mo ito. Masakit mawalan ng kaibigan, pero kailangang mo rin tanggapin ang katotohanan. Kung talagang mahal mo yung lalaki, tanggapin mo siya, pero tanggapin mo rin ang pagkasira ng inyong friendship. Wala ka namang kasalanan dahil ikaw ang unang niligawan ng lalaki. Pero huwag sumuko na kausapin ang  bff mo. Lilipas din ang galit niya, pero kung hindi man, hindi ka dapat makonsensiya dahil wala ka namang ginawang mali.

Sumasaiyo,

Vanezza

BEST FRIEND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with