‘The Painted Village of Burkina Faso’
Ang Africa ay isang kontinente na may 54 diverse countries na pinapalibutan ng magagandang landscapes na natural na gawa ng kalikasan.
Magmula sa mayabong na tropical forests of Central Africa, sa magandang Sahara desert, hanggang sa masaganang lugar ng Savannah, talagang hindi ka bibiguin ng nasabing bansa.
Ito rin ang lugar kung saan unang nadiskubre ang mga tao, ayon sa mga archeologist. Hindi nakapagtatakang mayaman nga ang Africa pagdating sa ancient rites, tradisyon, at iba pang paniniwala.
Pinag-uusapan nga ang isang village na kung tawagin ay Tiebele sa lugar ng Burkina Faso, Africa, dahil sa traditional Gourounsi architecture nito at hand decorated houses.
Gawa ito ng mga Kassena people gamit lang ang mga lokal na materyales tulad ng lupa, kahoy, at dayami.
Ang lahat ng mga bahay na kanilang ginawa ay may matinding proteksyon at panlaban mula sa init ng araw. Meron itong maliit na entrance at pinto na may taas lamang na 2ft, tama lang para mapasukan ng liwanag. Pero hindi pa ito ang pinakamamangha sa nasabing village, dahil ang lahat ng bahay ay may kakaibang disenyo na ipininta gamit lamang ang kamay ng mga lokal.
Gumagamit sila ng mixed dirt, natural chalk at clay, at pinapaganda pa nila ito sa pamamagitan ng pag-spray ng natural lacquer na gawa sa dahon ng acacia.
Makikita ang ancestral symbols at figure ng mga hayop sa bawat pader, at ang mas nakaka-amaze, walang drawing na naulit sa bawat bahay. Lahat ng mga nakaguhit sa bahay ay magkakaiba at unique.
- Latest