Pagkain ng ampalaya nakaiiwas sa bad cholesterol!
“Ampalaya!” ang kadalasang expression ng mga millennial sa mga taong bitter. Mapait kasi ang lasa nito, sing-pait ng nakaraan ng ibang mag-dyowa.
Pero hindi tungkol sa pag-ibig ang ating pag-uusapan ngayon.
Literal na usapang puso dahil alam ba ninyo na maganda sa puso ang ampalaya?
Ang LDL o bad cholesterol kasi sa ating katawan ay kayang isama ng ampalaya extracts papalabas ng ating katawan.
Bukod pa riyan, may kakayahan din ang ampalaya na pababain ang blood sugar level sa katawan. Ito’y nagdudulot ng magandang blood circulation. Kaya hindi hinihikayat na kumain ng ampalaya ang mga diabetic na tao na umiinom ng gamot para sa diabetes. Lalo nga kasi itong magpapababa ng blood sugar level sa katawan na masama naman kung sumobra.
Burp!
- Latest