Law of Attraction sa isip ng anak
Turuan ang anak ng law of attraction yung simpleng pagtanggap ng mga oportunidad na nakukuha na puwedeng iugnay sa tamang pag-iisip.
Kapag naiintindihan ng anak ang ganitong concept, matutunan ng anak na magpokus sa gusto nilang gawin. Upang ma-train sa pangarap nilang maging nurse, doktor, o engineer balang araw.
Turuan ang anak na mag-isip ng magandang bagay tungkol sa kanilang sarili habang lumalaki. Kasabay ng pagtuturo na kung paano maging kind, compassionate, at respectful sa ibang tao.
Ipaliwanag sa anak ang kahalagahan ng law of attraction sa positibong paraan. Paharapin ang anak sa salamin at sabihin nito ang kanilang mga good characters o gustong mangyari. Tulad ng “I am a good friend, I’m creative, kind,” at kung anu-anong pang positibong bagay sa kanilang sarili.
Sa halip na sambitin ng bata na siya ay “bobo o pangit” na madalas kung anong sinasabi ay ito ang nagiging pakiramdam ng mga bagets na naitatanim sa kanilang isipan.
- Latest