Wise sa pagbili ng regalo
Tuwing holiday season ay mataas ang trending ng mga commercials at ads na fini-feed sa telebisyon at sa ibang social media.
Kaya maraming tao ang naeengganyo na bumili ng mga bagay kahit hindi naman ito kailangan.
May paraan upang mabawasan ang gastusin ngayong holiday season at maging wise sa inyong kaperahan.
Gaya ng pagtitipid ng pagbibigay ng regalo na imbes na pa isa-isa ang pagpili ay mas makakatipid kapag bumili ng pangkahalatang items na puwedeng gamitin kahit ng anong gender.
Hindi pa mahihirapan sa inyong pag-shopping dahil one time lamang ang pagbili.
Hindi na rin mahihirapan na mag-isip kung anong gift ang ibibigay.
Maaaring mamili ng iyong theme sa pagbibigay tulad ng kung lahat ay pang kitchen, sala, pang-opisina, o ibang items.
Mas makakukuha rin ng malaking discount kung bultuhan ang bibilhin. Kumpara sa pa isa-isang gamit.
Kung iisa lamang ang theme o concept ng mga gift ay hindi na mag-iisip o magsasayang ng oras sa kakaikot sa kakapili ng regalong bibilhin.
Tiyak na ikatutuwa ng pagbibigyan dahil sa magagamit nila ito.
- Latest