Kalabasang Okoy
Ang kalabasang ukoy ay simpleng lutuin na perfect na substitute sa mga karaniwang ulam na may karne.
Simple lang lutuin ang nutritious dish na ito na puwede ring pambaon sa inyong mga anak.
Sa recipe na ito, kakailanganin lang ng mga sumusunod:
1 ¼ cups malamig na tubig
100 g hibe
¼ cup all-purpose flour
1 cup cornstarch
2 cups kalabasa na hiniwa ng maninipis
2 cups vegetable oil para sa deep frying
1 piraso ng itlog
Paraan ng pagluluto:
Sa isang lalagyan, pagsama-samahin ang cornstarch, flour at malamig na tubig hanggang sa makagawa ng smooth na mixture.
Sunod na ilagay ng beaten egg, kalabasa, at hibe.
Lagyan ito ng paminta at asin depende sa inyong panlasa.
Iprito ang okoy ng maliliit para maging crispy. I-partner ito sa maanghang o matamis na suka.
Burp!
- Latest