^

Para Malibang

Avocado at mayonnaise sa buhok

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Napakaraming health benefits ng avocado. Isa na rito ang paggamit ng avocado face mask na isang therapeutic tool na isa pang paraan para ma-promote ang facial health natin. Sagana ang avocados sa omega-3 fatty acids at iba pang antioxidants, tulad ng vitamin A, B, K, and E, na magpapaganda ng health and wellness ng ating kutis. 

Marami rin itong bene­ficial minerals at organic compounds na mas magiging kapaki-pakinabang kapag inilagay nang direkta sa mukha. 

Maraming paraan para gumawa nito at ilan sa pwedeng isamang sangkap ay ang honey, egg, oatmeal, olive oil, apricot, banana, at yogurt.

Narito ang pinakamadaling recipe para sa simpleng avocado face mask:

Kakailangan ng 1 avocado, 1 egg, 1/2 tablespoon of lemon juice, 1 tablespoon of honey. 

Durugin ang laman ng avocado sa isang lalagyan. Pagkatapos ay isama na ang itlog, lemon juice, at honey. 

Kapag maganda na ang consistency ng mixture ay pwede na itong ilagay sa tuyo at malinis na mukha. Ibabad ito ng 20 minuto at saka banlawan.

Maaari ring paghaluin ang avocado at mayonnaise na mabisang pampadulas at pampalambot ng buhok. Ibabad ito sa buhok ng 20 minutes at saka banlawan.

AVOCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with