Depress na anak dahil kay nanay
Dear Vanezza,
Hindi ko na kaya ang pressure ng kursong engineering gusto lamang ng nanay ko. Pumayag ako para lamang maging masaya si mama at pambayad na rin sa mga maling nagawa ko noon. Pero ngayon ay nai-stress at depress na ako dahil hindi ko mai-enjoy ang kurso plus hirap ako sa math. Ayaw kong malungkot ang mama ko. Ano po ang gagawin ko?- Berna
Dear Berna,
Huwag nang pahirapan ang sarili mo. Sabihin agad sa inyong mama, kaysa sa bandang huli na mas masasayang ang tuition fee, pera ng parents mo, pagod at oras mo. Ipaliwanag sa iyong magulang ang iyong kalagayan upang magkaunawaan kayo at makapag-shift ka sa kursong gusto mo talaga.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest