Kuneho sa Sweden may sariling pakontes
• Hindi nakakalasa ng matamis ang mga pusa dahil wala silang sweet taste buds.
• Mahilig din mag-surf ang mga bibe. Naobserbahan na mahilig din silang sumakay sa alon.
• Immune ang mga manok sa sili.
• May sariling regional accent ang Caribbean sperm whales.
• Nanganganak ang mga paniki habang sila ay nakabitin. Sinasalo ng kanilang pakpak ang supling na mahuhulog.
• Parisukat ang hugis ng dumi ng mga wombat.
• Sinasadyang magpatalo ng mga lalaking tuta sa tuwing nakikipaglaro sa mga babaeng tuta.
• Isang kulungan sa Washington ang may kakaibang paandar para sa mga preso. Bawat preso ay inaatasan nilang mag-alaga ng isang pusa.
• Kamatayan ang parusa sa sinomang papatay ng panda sa China.
• Kaninhoppning ang tawag sa patimpalak para sa mga rabbit ang bansang Sweden kung saan magwawagi ang kunehong may pinakamataas na talon.
- Latest