Thanksgiving sa Malaysia
Ang Thanksgiving ay hindi lagi kailangan tungkol sa turkey, pilgrims, o walang kamatayang panonood ng football.
Ang pagdiriwang ng Thanksgiving sa buong mundo ay iba-iba ang tradisyon na nagkakaroon ng unique na seremonyas at kuwento. Upang maging masarap pa rin ang pagsasaluhan sa hapag kainan bilang pasasalamat ng pamilya para sa buong taon.
Tulad ng selebrasyon sa Kadazan Festival sa Malaysia. Ang paniwala ng mga taga-Malaysia na kung walang bigas ay wala ring buhay. Nag-aalay ang mga tao sa kanilang diyos-diyosan na si Bambaazon. Ang kuwento ay isinakripisyo nito ang kanyang anak na babae, para sa kapakanan ng ibang tao dahil sa nangyaring tag-tuyo o tag-gutom. Inilibing ni Bambaazon ang anak sa lupa at ang katawan nito ay nagsilbing binhi para sa tanim na palay.
Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng mga tao ang bawat butil ng palay at kalikasan ay inuugnay sa nasabing kuwento. Kaya ang festival sa Malaysia ay punung-puno ng alak mula sa bigas, paligsahan ng mga buffalo, at ibang agricultural show bilang pasasalamat sa kanilang masayang ani sa buong taon.
Ang pasasalamat ay hindi lamang para sa mga butil ng palay, kundi pati ang masaganang ani ng mga gulay, prutas, mais, at iba pa.
- Latest