Ginataang Mackerel
Maituturing na swak sa bulsa at para sa mga nagmamadali ang mga de-latang pagkain, tulad ng mackerel.
Pero alam n’yo ba na maaari ninyong i-level up ang simpleng mackerel? Puwede ninyo itong lagyan ng ibang sangkap tulad ng ginataang mackerel!
Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 lata ng mackerel
• Sibuyas
• Luya
• Bawang
• Sitaw
• Patis
• Paminta
• Siling pansigang
• Gata
Paraan ng pagluluto:
Igisa ang sibuyas, bawang, at luya. Sunod na ilagay ang gata at pakuluan ng hanggang 10 minutes.
Kapag medyo lumapot na ang sabaw, puwede nang ilagay ang mackerel at hayaang kumulo. Sunod na ilagay ang sitaw at siling pangsigang. Timplahan ito ng patis at paminta depende sa inyong panlasa. Kung kayo naman ay mahilig sa maanghang, pwedeng maglagay ng siling labuyo.
Photo By: Panlasang Pinoy
- Latest