Guinea pig, salagubang, at kabute ginagawa na ring ice cream!
Kabilang sa mga delicacy sa iba’t ibang parte ng Latin America ang guinea pigs, kasama na riyan ang Colombia, Peru at Bolivia.
Ang mga cute na hayop na ito ay iniluluto at sinasahugan ng asin, patatas, at peanut sauce.
Bukod sa puwedeng gawing ulam, matitikman mo na rin ito sa ice cream, tama ang inyong nababasa. Guinea pig flavor sa ice cream.
Si María del Carmen Pilapaña, 78, ang nasa likod ng bagong eksperimentong ito. Bukod daw sa guinea pigs, meron din daw siyang inembentong beetles at mushroom flavor.
Sa isang araw daw ay nakaka-150 servings siya, at naibebenta niya ito sa halagang $1 o P52 per cone.
Paano nga ba ginagawa ang mga ito? Lulutuin muna ang karne ng guinea pig at pagkatapos ay lalagyan ito ng gatas o cream at saka patitigasin sa loob ng ref hanggang sa magmukha na itong ice cream. Masarap daw ang lasa nito, lasang chicken.
Sa Beetle naman o salagubang, may halo daw itong prutas tulad ng pinya at passion fruit. Kaamoy daw nito ang basang lupa.
“My family and my husband thought I was crazy. They didn’t think anyone would like these ice creams, but now they’re our main product,” pagbabahagi ni Pilapaña.
Ayon pa sa kanya, alam naman daw niyang sugal ang pagtatayo ng ganitong negosyo, pero itinuloy pa rin niya dahil gusto niyang makagawa ng kakaiba.
“Seeing how my business is picking up, I’m sure I’ll do well,” pagtatapos ni Pilapaña.
- Latest