Para sa mga nagbabalak Mabuntis
Sino bang mag-asawa ang hindi nangangarap na magkaroon ng baby?
Kung nagbabalak nang magbuo ng pamilya ay kailangan may ilang dapat na gawin para maging matagumpay ang plano ng mag-asawa ayon sa webmd.com.
Kung okey na ang pangangatawan na mayroon nang tamang timbang, hindi sobra ang ginagawang pag-e-exercise, magbuntis ng bata pa, tigilan na ang pag-inom ng alak at paninigarilyo; pero hindi pa rin umobra ay dapat i-check na ang isa pang tip.
Doblehin ang Vitamins
Para maging successful ang planong pagkakaroon ng baby, uminon ng prenatal vitamin na folic acid araw-araw para maiwasan ang birth defects na tinatawag na neural tube defects.
Pero mag-ingat sa iniinom na megavitamins o supplements. Ang sobrang vitamin A, halimbawa ay iniuugnay sa problema sa mga lumalaking baby.
- Latest