‘Kalaloch Tree of Life’
Kilala ang Washington State bilang “home to numerous natural wonders.” Isa sa tinutukoy na natural wonders nito ay ang Kalaloch Tree of Life, na matatagpuan sa Pacific Coast shores, sa Olympic National Park.
Ang nasabing Tree of Life ay isa rin sa mga pinakasikat na puno sa buong mundo.
Kaya ito tinawag na “The Tree of Life” dahil ito na lang ang natitirang buhay sa lahat ng mga halamang nandoroon gayung dapat ito ay matagal nang namatay.
Nakapuwesto ang puno sa isang mababaw lang na bangin.
Pinaniniwalaang dahil sa matinding pagguho ng lupa sa paglipas ng panahon, nakabuo ng maliit na kuweba sa ilalim nito.
Mangilan-ngilang ugat na lang nito diumano ang nakabaon sa bangin at ang iba ay naka-angat na. Ganunpaman, naka-survive pa rin ang puno kahit na wala siyang lupang kinakapitan. Nagtataka tuloy ang mga tao kung papaano ito nakakaligtas sa mga bagyong dumadarating.
Pinag-aaralan na ng mga scientist ang kakaibang pangyayari na ito, pero maging sila ay hindi nila maipaliwanag.
Marahil daw ay may magic talaga ang puno.
- Latest