Kontra Stretch Marks
Maghiwa ng makapal na slice ng patatas at ikuskos sa stretch marks. ‘Pag natuyot na ang patatas banlawan ito ng maligamgam na tubig.
Maghalo ng ilang patak ng almond oil at lemon juice sa isang kutsarang asukal. Haluin itong mabuti bago direktang ipahid sa stretch marks. Kuskusin ito ng 8-10 minuto bago banlawan. Gawin ito araw-araw hanggang mawala ang stretch marks.
Direktang ipahid ang aloe vera gel sa stretch marks. Banlawan ito ng maligamgam na tubig matapos ang ilang minuto.
Magpainit ng olive oil at ikuskos ito sa stretch marks. Mai-improve nito blood circulation na nakakapagpabilis sa “paglusaw” ng stretch marks.
Magmasahe ng lemon juice sa stretch mark sa loob ng 10 minuto. Paikot ang direksyon ng masahe hanggang sa matuyo ito sa balat. Hugasan ang balat ng maligamgam na tubig.
Paikot na masahihin ang stretch marks gamit ang castor oil sa loob ng 15 minuto. Pagkatapos masahihin, lagyan ito ng manipis na tela at patungan ng heating pad o mainit na bote. Ituloy ang proseso sa loob ng 30 minuto. Gawin ito araw-araw sa loob ng isang buwan para sa mas magandang resulta.
- Latest