Mindset sa Bawat Obstacle MOVE ON NA TEH!
Lahat ng goal ay walang challenge kung walang obstacle. Yan ang katotohanan ng buhay.
Sa kabila na ang intensyon at plano, pero ang buhay ay hindi laging ayon sa inaasahan. Lahat ay nakararanas ng hadlang malaki man o maliit. Kahit pa ang minor na balakid ay puwedeng magkaroon ng dramatic na epekto kung hahayaan ito.
Ang simpleng iniisip na pag-aalala at kawalan ng pag-asa ay maaaring humahatak na parang spiral na isyu pababa. Hindi ito dapat mangyari.
Laging isipin na may pag-asa na nagsisimula sa mindset kung paano tingnan ang mga nakaharang sa ating mga goals at plano. Yakapin ang sarili kung ano at meron ka, sapagkat tao lamang tayo. Higit man na gustuhin natin na maging perfect, pero wala tayong kontrol. Ang good news, ang pagkakamali ay okey lamang para sa ikatututo. Ang bawat obstacle ay oportunidad para matuto sa buhay. Okey lang ang matakot at magkaroon ng hindi komportableng sitwasyon na sign na ikaw lumalago.
- Latest