Na-trauma sa Bilmoko Girl
Dear Vanezza,
Isa lang akong simpleng empleyado. May nililigawan ako at malinis ang hangarin ko sa kanya. Ang masaklap ay bilimoko girl ang drama niya. Kaysa pahirapan ko pa ang sarili ko ay tinigil ko na ang manligaw. Ngayon ay parang na-trauma na akong umibig dahil baka muli na naman akong mabigo. - Rey
Dear Rey,
Charge it to experience. ‘Wag kang panghinaan ng loob. Matatagpuan mo rin ang babaeng pinapangarap mo. Kaya kilalanin mo ng mabuti ang paglalaanan ng pag-ibig maraming babae diyan na hindi naman nakatingin sa material na bagay.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest