^

Para Malibang

Aloe vera epektibong pantanggal ng libag

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Marami nang napatunayan ang halamang Aloe Vera dahil sa iba’t ibang benepisyo nito sa pagpapaganda.

Bukod dito, kilala rin ang halamang ito sa pagpapagaling ng constipation at diabetes. Meron kasi itong antiviral at antibacterial properties na talaga namang kapaki-pakinabang sa atin.

Madali lang magta­nim ng halamang ito, pero kung wala namang kakayahan o mapag­lalagyan, mabibili sa tindahan ang mga produktong Aloe Vera ang pangunahing sangkap gaya ng beauty products at juice. Narito ang ilan sa mga gamit ng Aloe Vera:

•Dry skin – Paghaluin ang Aloe Vera gel, ho­ney, at ang iyong paboritong essential oil (optional) at ipahid sa apektadong bahagi ng katawan ng 10-20 minutes. Pwede rin gamitin ang nagawang mixture para maalis ang tagihawat o acne sa mukha.

•Pantanggal ng libag-Para makagawa ng scrub, kailangan ng asukal, Aloe Vera gel, at lemon juice/calamansi juice. Haluin ang mga ito at ikuskos sa katawan at banlawan. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo at makikitang babata at kikinis agad ang kutis.

•Mabilis na paghaba ng buhok at pangtanggal ng balakubak – Ihalo ang Aloe Vera gel sa castor oil o kaunting coconut oil at imasahe sa anit, ibabad ng limang minuto at banlawan.

ALOE VERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with