^

Para Malibang

‘Langit sa Mexico’

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Binigyang buhay ng sculptor at art collector ng 20th century na si Edward James ang kanyang vision tungkol sa langit, at matatagpuan ang kanyang obra sa pusod ng Mexico.

Ang Laz Pozas sa North of Mexico City ay may kakaibang kombinasyon ng nature at sculpture.

Ang mga turistang nagpupunta rito ay sinasabing ito ang hinahanap nilang lugar para sa relaxation at bukod dito, nabubusog din ang kanilang mga mata sa mga obrang nakapaligid sa kanila. Mula sa natural pools hanggang sa mga maliliit na waterfalls at mayayabong na mga puno, halaman, at mga bulaklak, ang nature talaga ang pinakamahalagang dapat mong makita.

Hindi lamang ang mga sculpture rito ang nakakadagdag sa ganda sa lugar, ginawa rin nila itong Mexican jungle na hinaluan ng art. Halos 35 years ang inabot bago ito natapos at mahigit P261-M ang nagastos para mabuo lamang ang buong lugar. Ayon sa kuwento, ibinenta raw ni James ang kanyang mga art collection sa isang private auction para lamang mabayaran ang mga gastos dito.

Hindi pa rin maliwanag sa mga nakakakilala sa kanya kung bakit ang isang tulad niyang art collector ay handang maglabas ng malaking halaga para lamang sa ganung project. Ganunpaman, sulit naman ang ginawa niyang ito dahil malayo na ang narating ng Laz Pozas.

Ang imahinasyon ni James, ang kanyang passion sa suryaslismo at sa tulong ng mahigit 150 empleyado na gumawa ng mga sculpture, nakagawa sila ng isang ‘di malilimutang masterpiece na talaga namang karapat-dapat na bisitahin.

EDWARD JAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with