Sa oras na paghihigpit ng sinturon
Yung kasusuweldo mo lamang, pero kumakamot na sa ulo kung paano paaabutin ang budget hanggang sa susunod na payday.
Kailangang maghigpit ng sinturon para magkasya ang budget hanggang dalawang linggo bago pa ang 15th o 30th na araw ng suweldo.
Gaya nang magluto ng meals sa bahay na kailangan ay nakaplano. Mag-purchase na may dalang listahan.
Kainin ang natirang pagkain sa tanghali o baunin para sa lunch time. Mag-shopping ng bultahe ng mga items na magagamit para sa loob ng isang buwan. Kaysa sa patingi-tinging shampoo, sabon, paisa-isang kilong bigas o ulam.
Mag-invest ng freezer o refregerator upang makapag-stock ng maramihang pagkain. Sumubok ng ibang brand kung saan makakamura. Aabutin ng ilang trial and error, pero at least kalaunan ay makakatipid ng pera.
Kailangan ng disiplina para matutuhan na maghigpit ng sinturon sa mga panahon na naghihingalo na ang ating mga pitaka. Para umabot hanggang sa susunod na payroll at maiwasan din mangutang.
- Latest