^

Para Malibang

Simbahan sa Greece nasa tuktok ng mataas na bangin!

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Kilala ang bansang Greece sa magagandang beach at mayayamang istraktura na siyang madalas puntahan ng mga turista. Pero alam n’yo ba na bukod sa mga ito ay kilala rin ang isang simbahan doon dahil sa makapigil hiningang tanawin nito?

Ang Holy Trinity Monastery na may anim na siglo nang kasaysayan ay isa sa UNESCO World Heritage Site at isa rin ito sa 24 Meteora monasteries na matatagpuan sa central part ng Greece.

Ang ibig sabihin ng Meteora ay ‘suspended in the air’ sa Greek, isa itong rock formation na naging mataas na talampas o bangin at mahigit 60 million years na ang tanda.

Nakamamangha ang history ng nasabing monasteryo, si John Uros na diumano’y dating emperor ng mga Greek ay naging monghe at itinayo itong muli kasama ng iba pang 23 na building, ganunpaman anim lang sa mga ito ang tinitirhan pa rin hanggang ngayon ng mga monghe. Ang isa pang nakamamangha rito ay ang angkin nitong architecture, parang krus ito pag tinignan sa himpapawid. Nakaukit pa sa mismong rock formation ang small chapel ni St. John the Baptist.

Mas lalo pa na nakilala ang Holy Trinity dahil sa 1981 James Bond movie na For Your Eyes.

Kung kayo ay mahilig sa European history, landscapes at unique art works at architecture, maaari naman itong bisitahin anumang oras.

 

BANGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with