Ang alamat ni Bloody Mary
Mula sa isang henerasyon hanggang sa mga sumunod, pinagpasa-pasahan na ang kuwento ng Bloody Mary. Malamang nga na ang ilan pa sa inyo ay sinubukan ding gawin ang makapanindig balahibong challenge nito noong nasa adolescent stage pa lamang kayo – ang pagtawag kay Bloody Mary sa loob ng madilim na CR habang nasa harap ng salamin sabay karipas ng takbo bago pa man lumabas ang multo nito.
Ayon sa mga kuwento-kuwento, duguan daw ang hitsura ni Bloody Mary. Kakalmutin niya raw ang mukha mo pag nagpakita raw ito sayo, o ‘di kaya naman ay hindi ka niya titigilan habang buhay. Ang malala pa nito, maaari ka niyang patayin.
Bago pa man maiba ang bersyon ng kuwento ni Bloody Mary, ilang daang taon na ang nakalilipas, normal daw ito na ginagawa ng mga batang babae noon. Kay Bloody Mary daw nila tinatanong kung sino ang kanilang mapapangasawa habang may hawak na kandila, pero kapag unang nagpakita raw ang bungo sa salamin, ikaw daw ay mamamatay bago pa man ikasal.
Hindi malaman kung kanino at saan nanggaling ang alamat na ito, pero ayon sa mga eksperto, maaaring hango ito sa totoong kuwento ng ilang mga kababaihan noong unang panahon, isa na rito si Elizabeth Bathory a.k.a. The Blood Countess na nabuhay noong 16th century. Nangto-torture at pumapatay siya ng mga birheng batang babae, saka niya iinumin ang dugo nito para manatiling ang kanyang pagkabata.
- Latest