Baluktot na kaisipan
Minsan ay napapaisip ng malungkot na bagay na nasusundan pa ng ibang isyu at saka nakararamdam na ma-depress. Mayroon bang dapat gawin para matigil ang ganitong sitwasyon?
Lahat ay nagkakaroon ng depression, pero hindi dapat palagiang na maging malungkot ang buhay. Puwedeng pumunta sa iyong doktor upang magpa-check up. Baka kailangan ng medication o therapy. Ang sunud-sunod na pag-iisip ng malungkot ay nakadidismaya, dahil hindi sigurado kung ang depression ang nagbibigay ng negatibong pakiramdam, o nag-iisip lamang negatibo kaya naman nadi-depress. Ang simpleng ubo, kapaguran, stress, gutom, kulang sa tulog, at kahit pa ang allergies ay kung bakit nadi-depress na nagiging resulta ng negatibong pag-iisip.
Sa maraming kaso ng depression ay puwedeng magbunga ng negatibong iniisip. Ang sariling feelings na sumusunod lamang sa kung ano ang iniisip lalo na kung puro nega thoughts na papunta na sa depression.
Importante na labanan ang negatibong pag-iisip na kailangang maintindihan kung paano ito gagawin. Ang tao ay mayroong cognitive distortions na kinukumbinsi ang isipan sa mga bagay na hindi naman totoo. Ang distortion o baluktot na iniisip ng brain ay siyang reinforcement kung kaya napapaisip ng negatibong bagay at emosyon. Tinu-torture ang sarili sa mga pangit, negatibo, at malungkot na pag-iisip.
Mahalaga na labanan o makontrol ang iniisip. Kaya huwag masayadong emo komo nabigo o hindi na perfect ang mga nangyayari sa buhay, puwede pa rin ibaling sa positibong bagay. Upang gumaan ang pakiramdam at magkaroon ng magandang mood o good vibes.
- Latest