Tamang hinala ng mga classmates
Dear Vanezza,
Nayayabangan sa akin ang mga classmates ko sa senior high. Masyado raw akong competetive at kulang sa pansin kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin. Hindi nila alam na solong anak lamang ako. Kaya kulang ako sa pansin. Wala akong makausap sa bahay. Sila nanay at tatay ay demanding sa grades ko. Or else magagalit sila sa akin. Wala akong close friend. Ano po ang gagawin ko? - Jessica
Dear Jessica,
Kapag may pagkakataon ay puwedeng ipaliwanag sa kanila ang mali nilang hinala tungkol sa iyo. Kailangan din makipagkaibigan sa labas ng classroom kung may pagkakataon sa mga taong alam mong makakaintindi sa iyo. Hindi naman lahat ng tao ay puwedeng ma-please.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest