Chemicals sa mga gulay at prutas
Mahalaga na ligtas ang mga pagkain na malayo sa mga chemicals.
Ang tantiya ng U.S. Center for Disease Control and Prevention na bawat taon na maraming tao sa Amerika ay nagkakasakit dahil sa mga “food-borne” na mga sakit.
Ang good news sa simpleng extra na oras sa kusina na paghuhugas ng mga prutas at gulay ay matatanggal ang 99% na chemical residues ganundin ang dumi nito.
Tandaan na hindi gagamit ng sabon na panghugas sa fruits at veggies, sapat nang itapat ito sa running water na makatutulong na mahugasan, gaya rin ng mga organic na pagkain. Meron din mga products na inihahalo sa tubig saka ibabad ang prutas at gulay saka papatuyuin.
Kalimitan mas magandang ibabad muna ang gulay o prutas sa tubig saka banlawan uli, upang masigurado na ma-wash out ang nakadikit na dumi o chemicals sa pagkain.
Alamin ang mga pagkain na dapat hugasan nang mabuti bago kainin gaya ng mansanas, peaches, strawberries, ubas, celery, pipino, patatas, blueberries, green beans, lettuce, hot peppers, at iba pa.
Importante na matulungan na mabawasan ang panganib na makakain ng mga chemicals na posibleng inilagay o i-spray sa mga gulay o prutas.
Upang maprotektahan ang pamilya na maiwasan sa mga posibleng sakit bunga ng mga chemicals na hindi namamalayan ay nakakain na pala.
- Latest