Wala sa pangarap na maging kerida
Dear Vanezza,
Nagkita kami uli ng dating BF na classmate ko rin dati na ngayon ay hiwalay na sa kanyang misis. Gusto niya uling manligaw sa akin since dalaga pa rin ako hanggang ngayon. Wala sa pangarap kong maging kerida dahil legal pa rin silang mag-asawa.
Tiyak tulad ng ibang kuwento na magkakabati rin sila. Kahit pa wala na ako sa kalendaryo, pero hindi naman ako disperada. Paano ko ba siya babastedin?
Kalle
Dear Kalle,
Maging tapat at sabihin mo agad na hindi na kayo talo. Para hindi na umasa ang iyong ex-BF. Tama na huwag siyang patulan, bagkus ay maghintay ng tamang lalaki na deserve ng iyong pagmamahal.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest