Asong pinabayaan sa ilalim ng kama, nagkaroon ng panibagong buhay
Dalawang taon tumira sa ilalim ng kama ang pitong taong gulang na asong si Lionheart bago siya sinurender ng kanyang amo sa Richmond SPCA (Non-profit, no-kill humane organization in Virginia. National leader in education and humane care including adoption, rehabilitation and spay/neuter).
Hindi na halos makilala si Lionheart dahil natatabunan ng makapal na balahibo ang kanyang mukha. Hindi na rin ito halos makakain. Ang kanyang makapal na balahibo ay infected na rin ng mga garapata.
Makikita sa galaw ng naturang aso ang hirap na kanyang pinagdaraanan sa loob ng mahabang panahon. Ayon pa sa isa sa mga staff ng Ricmond SPCA, “one of the most shocking cases of neglect” daw itong na-encounter nila dahil talagang napabayaan ang kawawang aso.
Kinailangan pang patulugin si Lionheart para ma-shave ang kanyang buong balahibo.
Ilang buwan din ang ginugol para mapalabas ang tunay na fur ng naturang aso.
Ngayon ay mayroon nang bagong tahanan na nag-adopt kay Lionheart.
- Latest