^

Para Malibang

Fats ng avocado maganda para sa balat

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Avocado – Mayaman ang avocado sa healthy fats. Maraming benepisyo ang pagkain ng prutas na ito sa ating katawan kasama na ang ating kutis. Ang fats na taglay nito ay essential para mapanatili ang pagiging flexible at moisturized ng ating kutis.

Kamote – Mayaman ang kamote sa beta-carotene at pag nakain na ay naku-convert sa Vitamin A na nakatutulong upang panatilihing makinis ang ating mga balat.

Kiwi – Lahat ng pagkain na mayaman sa Vitamin C gaya ng kiwi, orange, at iba pa ay mainam para sa ating balat. Nakatutulong ang Vitamin C sa pag-stimulate ng collagen sa ating balat na siyang pumoprotekta laban sa mga kulubot at “pagkatuyot” ng ating mga balat.

Dark Chocolate – Ang isang putol ng tsokolate ay nagbibigay ng mataas na lebel ng cocoa flavanols na nakatutulong sa pagkakaroon ng mas maganda at mas malambot na kutis. Alalahanin na maliit lang ang kailangang tsokolate sa ating katawan dahil ‘pag naparami ito ay kabaliktaran naman ang maaaring ma­ging epekto.

Yogurt – Magandang pinagkukunan ng protein at biotin ang yogurt. Dahil dito, nakatutulong ito para mag-glow ang ating balat at pampahaba rin ng ating mga kuko.

FATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with