Paano matepok ang mga lamok?
Ang babaeng lamok ay nangingitlog sa mga stagnant na tubig. Importante na ang basic na paraan ay malinis ang kabahayan upang maalis ang mga lamok. Madali lamang mapatay ang larvae o itlog ng mga lamok bago pa ito ma-develop na maging full-blown na lumilipad na mosquitoes. Ano ang mga brilliant ideas sa pagtepok ng mga lamok?
1. Bumili ng mosquito bits na naglalaman ng toxic na pampatay ng lamok na iwisik sa stagnant na tubig.
2. Epektibo ang bleach gaya ng chlorine na ginagamit sa labahan. Ihalo lamang sa tubig at ipambuhos sa paligid ng bahay. Puwede rin itong pang-sanitize sa paligid na triple pa ang bagsik kaysa sa mga pesticide.
3. Magpahid ng cinnamon oil sa katawan upang layuan ng mga lamok.
4. Maglinis ng bahay gamit ang apple cider. Ihalo ito sa tubig at ipanglampaso sa sahig. Puwede ring iwisik sa paligid upang natural na mamatay ang mga lamok.
5. Pagkatapos ng ulan ay puwedeng mag-spray ng suka na ihalo sa tubig upang mamatay ang mga itlog ng lamok.
6. Linisin ang gutters at debris na dahilan ng pagkabara ng tubig na puwedeng pagmugaran ng mga lamok.
7. Bumili ng mosquito dunks na bilog ang hugis na puwedeng ihulog sa mga matutubig na lugar para patayin ang mga itlog ng lamok.
- Latest