Token ng suwerte sa France
Sa France, ang le muguet o Lily of the Valley ay simbolo ng springtime na puwedeng bumili ng dosenang mababangong bulaklak o halaman sa paso bilang tanda ng token ng suwerte at prosperity para sa darating na taon. Ang kanilang custom ay nagbibigay ng bouquet ng muguet para maghasik ng suwerte sa indibidwal gaya ng ligawan noong Renaissance King Charles IX (1550-1574).
Kapag mayroong selebrasyon na special na okasyon, ang mga lords ay nagpupunta pa sa gubat kung saan para maghagilap ng bulaklak na ihahandog sa kanilang mahal sa buhay.
Tradisyon sa France, na ang mga lalaki ay nagbibigay ng bouquet ng lily of the valley na bulaklak sa kanilang mga sweetheart para i-express ng kanilang love at affection.
Tuwing May 1st sa France ay public holiday na opisyal na kilalang La Fete de Travail na National Labour Day bilang pag-alala para sa laban ng mga manggagawa, pero tinatawag din na La Fete de Muguet na Lily of the Valley Day. Nagpapadala ng bouquet ng lily na bulaklak para sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Ang mga tao ay nag-orgazine ng Lily of the Valley balls sa France, kung saan ang mga babae ay nagsusuot ng puting dress samantalang ang mga lalaki ay naglalagay ng lily sa kanilang mga butones.
Ang Lily of the Valley ay ang may scientific name na convallaria majalis, na pinakamahal na bulaklak sa buong mundo na ginagamit sa kasalan.
- Latest