Late bloomer na daig ang genius
Ang unang haba para sa financial goals ay nakasalalay sa pagpaplano.
Kailangang mag-set ng goals gaya ng kung magkanong net worth na gustong ma-achieve sa loob ng lima o sampung taon.
Pagkatapos ay planuhin kung paano abutin ang target na goal. Kahit pa retired na indibidwal ay hindi pa huli ang lahat na magplano. Puwedeng maging late bloomer sa larangan ng pagnenegosyo. Lalo na’t mas maraming oras at pera ka ngayon, kumpara sa dating empleyado.
Tandaan, kadalasan ang mga karaniwang tao na may tamang desire at drive na ma-achieve ang financial na tagumpay at hindi ang mga mataas na may pinag-aralan.
Kailangan lamang ng disiplina na ipunin ang kinikita. Mag-isip kung paano papalaguin ang profit na puwede pa ring manganak ng interest sa iyong kinikita.
Kapag mayroon ng financial goal, simulan na ang journey kung paano ito matutupad. Sa bawat nagtatagumpay na genius na tao ay mas higit lamang na sampung beses ng mga indibidwal na may determinasyon at pagpupursige sa buhay.
- Latest