^

Para Malibang

Malaking bunganga sa Ethiopia

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang lip plate ay maihahalintulad sa African eargauge o tunnel pero ito ay nakalagay sa labi, isa itong klase ng body modification. Gawa sa kahoy o putik ang lip plate na may iba’t ibang laki. Magsisimula muna ito sa maliit na butas hanggang pwede rin itong maging kasing laki ng ulo ng nagsusuot.

Ang lip plate ay simbolo ng katayuan/estado sa tribo ng nagsusuot sa bansang Ethiopia. Marami rin itong iba’t ibang mea­ning depende sa tribong kanilang kinabibilangan.

Sinusuot ito ng mga babae para makaakit ng mapapangasawa at dito rin binabase kung gaano kala­king lupa ang matatanggap ng pamilya ng babae mula sa kanyang mapapangasawa.

Nakikita rin sa African communities ang lip plate bilang paraan para ipahayag ang anuman ang kanilang nararamdaman. Ayon din sa mga travel­ler, pinagkakakitaan din ng ilang kababaihan na parte ng Mursi tribe ang kanilang lip plate. Humihingi sila ng bayad at saka sila puwedeng kuhaan ng litrato.

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal na ang pagpapakabit ng lip plate ng Ethiopian government.

 

 

ETHIOPIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with