Domino effect ng negativity at stress
Ang mataas na level ng negative o hindi pleasant na emotion ay hindi dahilan ng brain damage. Hindi ito yung parang nagkakaroon ng butas ang utak kapag mayroon ng takot o negatibong bagay na iniisip. Pero mayroong mas malaking mechanism na nangyayari sa brain kapag naaapektuhan ng negativity sa overall health ng tao.
Isang example, ang relasyon sa pagitan ng stress at immune system. Kapag patuloy na nakararanas ng negative emotions ay mas sensitive at nakokontrol sa stressful na sitwasyon. Pero kung positibo ang pananaw ay nakapag-iisip ng best na defense laban sa stress.
Kapag stress ay naglalabas ng cortisol ang stress hormone. Ang cortisol ay may iba’t ibang epekto sa kalusugan kasama na ang immune system. Mas komplikado ang immune system na dapat ay balanse ang cells. Pero dahil natatalo ng stress ang immune system, nagugulo ito ng cortisol. Kung kaya bumibigay ang katawan na nagkakasakit dahil sa sobrang stress.
Naiiwang vulnerable sa lahat ng panganib na ang isang bahagi ng immune system dahil nadodomina ng negativity at stress, hindi lamang ang brain.
Ang negativity ay ‘di dahilan ng brain damage, pero may epektong domino effect sa pag-shift ng balanse sa brain at buong katawan ng tao. Kaya dapat ay tamang dosage lang ng stress at negative na puwedeng makatulong. Kapag nasobrahan ay kabaligtaran ang epekto.
- Latest