Palitan ng libro at roses sa Spain
Ang tradisyonal na pagbibigay ng roses sa mga loved ones ay mula pa noong nineteenth century. Sa Spain, ayon sa kanilang alamat sa Catalonia, ang rose ay tumubo mula sa dugo ng napatay na dragon ni Jordi na kalaunan ay tinawag na st. George.
Kumalat ang kuwento sa buong bansa sa Spain na taun-taon ay nagdiriwang ang mga lovers tuwing April 23 na nagpapalitan ng regalo gaya ng libro at roses. Ang mayayaman na tao sa northeastern region na bawat isa ay nagbibigay ng rose o book sa selebrasyon ng kanilang love at culture. Sa original na practice, ang lalaki ang nag-aabot ng rose sa kanilang tinatangi habang ang babae naman ang magbibigay ng libro bilang kapalit. Sa pagbabago ng panahon, ang mga babae ay pareho nang nakatatanggap ng books at flowers na ibinibigay na rin sa mga mothers, daughters, friends, at kahit sa mga co-workers.
Taun-taon, ang mga retailers ay nakakabenta ng six million na roses at mahigit na 1.5 million na libro sa isang araw sa Catalonia. Habang sa Barcelona, may pakulo tulad ng mga musicians na nagpi-perfom sa mga kalye habang ang mga authors ay pumipirma sa kanilang mga libro sa mga booths para sa bumibili ng kanilang books.
Noong 1995, ang UNESCO ay ipinakilala ang Word Book Day kasabay ng pagbibigay ng libro at roses. Ang araw na nagdiriwang ng romance, literature, at bulaklak gaya sa Spain. Hanggang mauso na itinatago ng mga babae ang roses kahit malanta na. Ang iba ay iniipit ang roses sa libro para ma-preserve ang bulaklak ang ilan ay ginagawa itong book mark.
- Latest