Kabit, donya kung umasta
Dear Vanezza,
Ang kabit ng tatay ko kung umasta ay talagang donya. Samantalang barya lang ang ibinibigay ng tatay ko sa amin dahil nalaman namin ni nanay na yung kabit pala ni tatay ang may hawak ng ATM nito. Kapag lasing daw si tatay ay umiiyak at hinahanap ang nanay ko sabi ng mga kumpare niya. Ano po ang puwede naming gawin? – Sean
Dear Sean,
Bakit hindi ninyo subukan na ipa-barangay ang tatay mo at kinakasama niya. Puwede rin mag-report sa DSWD dahil harassment pa rin ang ginagawa ng tatay mo sa iyong ina na financially, emotionally, at mentally. Upang magkaalaman kung anong dapat mangyari sa inyong pamilya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest