Money habits
Ang ambisyon pagdating sa money goals ay nagsisimula sa maliit na habits. Ang simpleng hakbang ay nagiging second nature na maganda para ma-improve ang financial na sitwasyon.
Kailangan lamang ng small habits upang ma-develop na lumago ang ating pera. Sa halip na biglang takbo sa tindahan o malls para bumili lamang ng ilang items, bagkus ay planuhin ang shopping trips.
Gawing habit na ilista ang eksaktong bibilhin at kung magkano.
Tandaan, mag-stick sa iyong notes upang mapigilan ang sarili sa pagiging impulse buying. Ang tendency na kapag walang listahan ay panay ang dampot dito at dampot doon kahit hindi kailangan.
Pagdating ng bahay ay nagtataka na naubos na agad ang iyong pera. Samantalang kung may record, alam mo kung magkano lang ang budget at mapipilitan na magtipid.
Ang masamang habits ay papalitan lamang ng good habits upang hindi laging malungkot ang mukha sa biglaang pagkaubos ng pera sa iyong pitaka.
- Latest